Tinawag na intriga ng isang House bicameral conference committee o bicam conferee ang ulat na may banta umano sa House leadership sa gitna ng mga isyu kaugnay ng 2026 national budget.
Nauna rito, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may nakuha umano siyang impormasyon na nahaharap sa banta ang House leadership.






















