Binili ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang bahay sa Germany kung saan isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal ang kaniyang nobelang Noli Me Tangere.
Hindi na nabanggit ni Congressman Leviste sa kaniyang Facebook post kung magkano ang naging halaga ng bahay.






















