Kaya pang isagawa ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections hanggang Mayo 2027 kung sakaling muli itong ipagpaliban ngayong taon.
Gayunman, mangangailangan ang komisyon ng hanggang P3-B pondo para dito.
Samantala, ayon sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE), hindi sapat na dahilan ang pagtitipid upang ipagpaliban pa ang halalan sa mga barangay.






















