Pinaulanan ng bala ng baril ang mansion ng pop superstar na si Rihanna sa Beverly Hills noong Linggo, March 8 habang nasa loob ng bahay ang singer.
Natagpuan ng mga awtoridad ang assault rifle casings sa lugar, at kalaunan ay naaresto ang suspek matapos matagpuan ang kaniyang sasakyan ilang kilometro mula sa bahay ng mang-aawit.






















