Mas maraming Pilipino ang may pagnanais na ipagbawal na ang political dynasty o mga magkakapamilyang humahawak ng kapangyarihan sa gobyerno.
Maging ang pagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng ngipin o mas malawak na kapangyarihan sa komisyon na nag-iimbestiga laban sa korapsyon sa mga proyektong pang imprastraktura ay sinasang-ayunan rin ng mayorya ng mga Pinoy, batay sa bagong survey ng Pulse Asia.






















