Bilyong piso umano ang nakukuhang kickback ng ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection taun-taon.
Ayon sa ulat, nagmumula ito sa iba’t ibang proyekto ng ahensya.
Dahil sa puspusang pagpapanagot ng pamahalaan sa mga sangkot sa katiwalian, nagpasya ang Department of the Interior and Local Government na aksyunan ang umano’y korapsyon sa BFP at magsampa ng kaso sa Ombudsman laban sa 20 opisyal at tauhan ng ahensya.






















