Patuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa mga alegasyong kinasasangkutan ng 18 nagpakilalang mga dating miyembro ng Philippine Marine Corps.
Kahapon, March 17, isa-isa silang sumalang sa masusing pagtatanong ng NBI, kaugnay ng umano’y pagpapadala ng kickback mula sa flood control projects na kinasasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan.






















