Humiling ng karagdagang panahon ang depensa ni Vice President Sara Duterte para mapag-aralan ang mga dokumentong isinumite ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Dahil dito, hindi natuloy kahapon ang nakatakdang pagharap ng AMLC Executive Director na si Atty. Ronel Buenaventura sa Senate impeachment court.






















