Posibleng sumali ang Estados Unidos sa pag-atake ng Saudi Arabia laban sa rebeldeng grupong Houthi kasunod ng pag-target nito sa King Khalid International Airport sa Riyadh na ikinasawi ng 12 indibidwal.
Kasabay nito, muling nagbabala ang Houthi sa mga airline at pasahero na iwasan ang mga paliparan at airspace ng Saudi Arabia dahil nananatili umano itong target ng mga pag-atake ng grupo.






















