Nilinaw ng kampo ni Vice President Sara Duterte kung bakit nila tinutulan ang opening statement ni House Prosecutor Representative Leila de Lima sa ika-sampung araw ng impeachment trial kahapon.
Ayon sa kampo ng depensa, may mga bahagi sa talumpati na tila nagbibigay na ng konklusyon sa mga paratang laban sa Pangalawang Pangulo.






















