Back

Zarah Mendez

0:43
Politics

Cambodia, umapela sa Thailand na palayain ang dinakip na 20 sundalo

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Umapela ang Cambodia sa Thailand na palayain na ang mga sundalo nitong nahuli ng Thai army matapos ang ceasefire sa border clashes.

Ayon sa Cambodia, nadakip ang kanilang mga sundalo makalipas ang ilang oras mula nang ipatupad ang tigil-putukan sa pinag-aagawang teritoryo.

0:57
No items found.

Tsunami advisory sa Pilipinas, kinansela na ng PHIVOLCS

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Kinansela na ng DOST-PHIVOLCS ang tsunami advisory na inilabas matapos ang magnitude 8.8 na lindol sa Kamchatka, Russia kaninang umaga. Inanunsyo ng ahensya dakong 4:54 PM na lifted na ang abiso.

3:35
No items found.

Evacuation at tsunami warnings, itinaas sa mga bansa sa Pacific kasunod ng lindol sa Russia

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Niyanig ng magnitude 8.8 na lindol ang silangang bahagi ng Kamchatka Peninsula sa Russia bandang 11:25 am, oras doon.

Dahil sa lakas ng pagyanig, naglabas ng tsunami warnings ang ilang bansa sa Pacific coast gaya ng Japan, Hawaii, at ilang bahagi ng US West Coast.

0:48
Weather & Environment

30, patay sa Beijing dahil sa matinding baha at pag-ulan

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Hindi bababa sa 30 ang nasawi sa Beijing bunsod ng ilang araw na malalakas na pag-ulan at pagbaha sa hilagang bahagi ng China.

Umabot sa 80,000 residente ang inilikas ng mga otoridad habang patuloy na nagbabanta ang panibagong ulan sa mga susunod na araw.

0:59
Weather & Environment

Bagyong Wipha, tumama na sa hilagang bahagi ng Vietnam

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Nag-landfall na ang Bagyong Wipha sa hilagang Vietnam dakong 10 AM. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot mula 64 hanggang 102 km kada oras at bugso na 138 km kada oras.

Kumikilos ito patimog-kanluran matapos ang pagtama sa lupa, na maaaring magdulot ng matinding pagbaha sa mga mabababang lugar.