
Tambak na basura ang nakuha sa clearing operations sa 11 lugar na itinuturong dahilan ng naranasang matinding pagbaha sa North Luzon Expressway noong Hulyo sa kasagsagsan ng walang tigil na pag-ulan.
Magpapatuloy ang dredging at clearing operations sa iba pang lugar upang maiwasan ang pagbaha sa tuwing tag-ulan.

Aabot sa halos 68 ang kumpirmadong patay habang 74 pa ang patuloy na pinaghahanap matapos tumaob ang bangkang may sakay na 154 Ethiopian migrants sa baybayin ng Yemen.

Inamin ng American pop star na si Justin Timberlake na matagal na siyang nakikipaglaban sa Lyme disease na aniya'y matinding nagpapahirap sa kanyang mental at physical condition.
Ang Lyme disease ay karaniwang nakukuha sa kagat ng borrelia bacteria-infected na garapata.

Hindi bababa sa 23 ang sugatan kung saan 4 ang nasa malubhang kalagayan matapos bumagsak ang isang ride sa Taif, Saudi Arabia.
Ayon sa mga saksi, may mga nasugatan matapos tamaan ng parte ng ride habang ang iba naman ay nasaktan mula sa biglaang pagbagsak habang nakaupo.

Papatawan ng Estados Unidos ng 15% na taripa ang mga produkto na manggagaling sa South Korea, partikular na ang mga sasakyan at semiconductors.
Inihayag ni US President Donald Trump na kasama sa kasunduan ang 350 billion USD investment ng Seoul sa Amerika kung saan $150 billion dito ay para sa paggawa ng mga barko.