
Makikipagpulong ang Iran sa Britain, France, at Germany sa Istanbul sa Biyernes para sa nuclear talks, ayon sa Iranian Foreign Ministry.
Ito ay kasunod ng babala ng European nations na maaaring ibalik ang mga international sanctions laban sa Iran kung hindi magpapatuloy ang negosasyon.

Pansamantalang isinara ang mga pangunahing paliparan sa Moscow matapos ang sunod-sunod na drone attacks mula sa Ukraine.
Ayon sa mga opisyal ng Russia, nagresulta ito sa pagkakansela ng mahigit 140 flights at pag-divert ng higit 130 na iba pa.