
Patuloy na binabantayan ng mga otoridad ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong nakararanas ang Metro Manila ng maulang panahon dulot ng bagyong "Isang".
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Marikina, as of 7am ngayong araw, nananatiling normal sa 12.7 meters ang lebel ng tubig sa ilog.

Opisyal nang inilabas ng Wish 107.5 ang wishclusive performance ng OPM powerhouse na si Gigi de Lana para sa kantang “Sarhan.”
Ito ang official theme song ng katatapos lang na Wish Date: Love Tales, na bahagi ng selebrasyon ng ika-11 na anibersaryo ng nag-iisang FM radio station on wheels.

Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na gawing gabay ang mga aral ng kasaysayan.
Binigyang-diin niya na ang pag-alala kay Ninoy Aquino ay nagkakaroon lamang ng saysay kung naisasabuhay ang mga aral ng nakaraan sa kasalukuyan.

Umabot na sa 73 ang nasawi kabilang ang 17 na bata matapos bumangga at magliyab ang isang bus na may sakay na mga Afghan migrants.
Ayon sa Taliban, bumangga ang naturang bus na patungong Kabul sa isang truck at motorsiklo.

Tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si Australian Prime Minister Anthony Albanese na isang ‘weak politician’.
Ito ay matapos ipagbawal ng Australia ang pagpasok ng isang far-right na miyembro ng kanyang partido at dahil sa lumalalang anti-Semitism sa Australia.