
Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Timog-Silangang bahagi ng Afghanistan nitong Huwebes ng gabi.
Ito na ang ikatlong malakas na lindol na naramdaman sa bansa sa loob lamang ng anim na araw.

Binawi ng Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng 9 na construction firms na pagmamay-ari o kontrolado ni Sarah Discaya.
Sa PCAB Resolution No. 075, series of 2025, kinumpirmang sangkot ang mga kompanya ni Discaya sa collusive at manipulative bidding practices, partikular sa mga flood control projects.

Nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan ngayong Martes sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility at sa habagat.
Inaasahan ang maulap na kalangitan at malalakas na ulan sa Cagayan Valley, Central Luzon, Ifugao, at Benguet dahil sa LPA sa silangan ng Northern Luzon.

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na nagpatupad ng restriksiyon ang International Criminal Court o ICC detention unit sa mga bisita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay VP Sara, pinapayagan na lamang silang kumpirmahin na buhay at nasa mabuting kalagayan ang kanilang ama, ngunit bawal nang magkuwento ng mga nagaganap o pinag-uusapan sa loob.

Nanawagan ang United Nations ng hustisya matapos ang tinaguriang double strike ng Israel sa Nasser Hospital sa Gaza na ikinasawi ng hindi bababa sa dalawampu, kabilang ang limang mamamahayag at apat na health workers.
Ayon sa UN Human Rights Office, ang pag-atake ay hindi katanggap-tanggap at dapat magkaroon ng malinaw na imbestigasyon at tiyakin na mananagot ang sinumang responsable.