Back

UNTV NEWS

0:52
Politics

Courtesy resignation, ipinag-utos na ni Sec. Vince Dizon sa DPWH

September 2, 2025 11:54 AM
PST

Ipinag-utos na ng bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Sec. Vince Dizon ang courtesy resignation ng lahat ng opisyal ng ahensya.

Kasama rito ang mga Undersecretaries, Assistant Secretaries, Division Heads, Regional Directors, at hanggang District Engineers sa bansa.

1:22
Politics

31 contractors, donors sa kampanya ng ilang national candidates sa 2022 elections – Comelec

September 2, 2025 11:53 AM
PST

Inihayag ng Commission on Elections o Comelec sa House Committee on Appropriations na nasa 31 contractors ang campaign donors ng ilang national candidates para sa 2022 Presidential Elections.

Ayon kay Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia, natuklasan nila ito sa pagrepaso ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2022 Presidential Elections.

1:18
Politics

Problema sa baha sa Metro Manila at ibang probinsya, kabilang sa tututukan ng bagong DPWH chief

September 2, 2025 11:52 AM
PST

Bukod sa paglilinis sa loob ng Department of Public Works and Highways, tututukan rin ni Sec. Vince Dizon ang problema ng baha na naranasan kamakailan ng Metro Manila at iba pang probinsya.

Ayon sa bagong DPWH chief, makikipagpulong siya sa mga susunod na araw sa ibang ahensya ng pamahalaan, at lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila at ilang mga rehiyon na nakaranas ng matinding pagbaha.

56:32
No items found.

UNTV: C-NEWS | September 01, 2025

September 2, 2025 11:51 AM
PST

- Mga mambabatas may reaksyon sa pagpapalit ng liderato ng DPWH

- Sen. Gatchalian: Proposed 2026 national budget, titiyaking malinis at maayos ng Senado

- Posibleng ipapalit sa 3 seats ng Duterte Youth, pag-uusapan ng COMELEC

0:55
Politics

Online sellers, pinakukuha ng Trustmark certification ng DTI hanggang katapusan ng Setyembre

September 2, 2025 10:00 AM
PST

Meron na lang hanggang katapusan ng Setyembre ang mga online seller para magparehistro sa E-commerce Philippine Trustmark ayon sa Department of Trade and Industry o DTI.

Ang selyo na ito ang nagse-certify sa mga produktong binebenta online na nakapasa sa quality and safety checks.