Back

UNTV NEWS

53:30:00
No items found.

UNTV: Hataw Balita Ngayon | September 02, 2025

September 2, 2025 12:48 PM
PST

- Problema sa baha sa NCR at ibang probinsya, kabilang sa tututukan ng bagong DPWH chief; courtesy resignation, ipinag-utos na ni Sec. Dizon sa DPWH

- 31 contractors, donors sa kampanya ng ilang national candidates sa 2022 elections, ayon sa Comelec

- Marcos admin, ‘too little, too late’ na sa pag-iimbestiga ng korapsyon sa Pilipinas, ayon kay VP Sara

1:36
Politics

PBBM, inatasan ang mga ahensya na palawakin ang maaabot ng pautang sa tourism sector

September 2, 2025 11:59 AM
PST

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na palawakin pa ang maaabot ng Turismo Asenso Loan Program.

Sa pamamagitan ng programa, makakautang ang mga maliliit na negosyo na nasa tourism industry ng hanggang P1 million.

1:34
Politics

P9B na dagdag pondo, hiling ng Comelec para sa 2026

September 2, 2025 11:58 AM
PST

Humihiling ang Commission on Elections o Comelec ng nasa P9 billion na dagdag pondo para sa taong 2026 matapos tuluyang aprubahan ang rescheduling ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa 2026.

1:51
Politics

Crime rate sa Pilipinas, bumaba ng mahigit sa 16% ayon sa Pambansang Pulisya

September 2, 2025 11:57 AM
PST

Pinabulaanan ng Philippine National Police na tumataas ang krimen sa bansa kasunod ng babala ng Chinese Embassy sa kanilang mga mamamayan na nais magtungo sa Pilipinas na mag-ingat dahil sa mataas na krimen sa bansa.

Ayon kay Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, base sa datos, bumaba ang crime volume sa bansa ng 16.40% mula Enero 1 hanggang Agosto 28, 2024 na nasa 27,090, kumpara sa Enero 1 hanggang Agosto 28, 2025 na nasa 22,646 lamang.

1:13
Politics

SILG Remulla, naniniwalang pinag-aaway lang sila ni ex-PNP Chief Torre

September 2, 2025 11:56 AM
PST

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na pinag-aaway lang sila ni dating Philippine National Police Chief Nicolas Torre III dahil sa kumakalat na fake news sa social media patungkol sa pagbili ng armas ng Pambansang Pulisya.