
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipinong nasa Jakarta, Indonesia mula sa mga nangyayaring demonstrasyon sa naturang bansa.
Ito'y kasunod ng malawakang kilos-protesta sa iba’t ibang pangunahing lugar sa Indonesia dahil sa isyu ng korapsyon at mataas na gastusin.

Sinusuhulan umano si Officer-In-Charge Ombudsman Dante Vargas para ibasura ang inihaing kaso ni Sen. Imee Marcos.
Ito ang inihayag ng presidential sister sa gitna ng nakabinbing kaso na inihain nito sa Ombudsman kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Alamin ang magiging lagay ng panahon sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong araw ng Lunes, September 1, 2025.

Matapos pagtibayin ng Commission on Elections o Comelec en banc ang desisyon ng kanilang Second Division na kanselahin ang rehistro ng Duterte Youth Party-list, pag-uusapan ng en banc ngayong darating na Miyerkules kung paano ang pagpili sa papalit sa tatlong pwesto na nakuha ng Duterte Youth sa Kamara.

Binabawi na ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang mosyon nito na pag-adopt sa panukalang 2026 national budget o ang National Expenditure program.
Ito'y dahil may nakita pala umanong mga item sa NEP na pare-pareho habang may completed na proyekto pero pinopondohan pa rin.