
Itinuturing na political destabilization ng Malacañang ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa na siyang mamuno sa bansa sakaling magbitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ang mga sinabi ng Pangalawang Pangulo ay maaaring magpahina sa kumpyansa ng taumbayan sa administrasyon.

Hinamon ng Makabayan bloc ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na dapat ding imbestigahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasunod ito ng mga impormasyong inilabas ni dating House Appropriations Committee Chairperson at dating Congressman Zaldy Co.

Mahigpit na ipagbabawal sa sinumang lalahok sa ikalawang Trillion Peso March sa Linggo, November 30, ang anumang panawagan ng pag-uudyok, paghihimagsik, pag-aalsa laban sa pamahalaan.
Ayon kay PNP Public Information Chief PBGen. Randulf Tuaño, isa sa naging kondisyon para aprubahan ang permit ng grupong lalahok dito ay ang pagkakaroon ng ligtas at maayos na protesta.

Muling nag-upload ng video kahapon sa kanyang social media page ang kontrobersyal na dating mambabatas na si Zaldy Co.
Ang tema ng kaniyang mga alegasyon ay pagkontrol umano ng First Family sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura, partikular na ang asukal, sibuyas, isda, at bigas.

Tinapos na ng Commission on Elections o Comelec ang imbestigasyon kay Sen. Francis 'Chiz' Escudero at negosyanteng si Lawrence Lubiano.
Kaugnay ito ng pagbibigay ni Lubiano ng P30M kay Escudero bilang campaign fund noong 2022 elections.