
Suportado ng mga lumahok sa public consultation ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Cebu ang panukalang magbabawal sa political dynasties sa bansa.
Isinagawa ang public hearing sa University of the Philippines Cebu noong Huwebes, February 19.

- Pananagutan sa bayan, hindi dapat matabunan ng maagang pagdedeklara ng kandidatura ni VP Sara Duterte ayon sa endorser ng ika-4 na impeachment complaint
- Pilipinas, patuloy na nahaharap sa tumitinding cyber attack dahil sa sigalot sa West Philippine Sea ayon sa AFP
- Supreme Court, hindi umano pwedeng bumalangkas ng impeachment rules ayon kay Ret. Justice Azcuna

Sumailalim sa basic life support refresher training ng UNTV News and Rescue ang mga estudyante ng La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga.
Kasama sa kanilang natutuhan ang pagbibigay ng basic first aid.

Puspusan ang paghahanda ng AFP Lady Gunnar para sa nalalapit na pagbubukas ng UNTV Volleyball League Season 4.
Sa kanilang training, tinutukan nila ang mas matibay na depensa at mabilis na transition plays.

Naglabas ng reaksyon ang White House sa pahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na “unfair” o hindi makatarungan ang ilang panawagan ng Estados Unidos kaugnay ng nagpapatuloy na negosasyon upang matigil ang mahigit apat na taong digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa ulat, sa pinakahuling trilateral talks kasama ang dalawang bansa at ang Estados Unidos, bagamat aminado ang magkabilang panig na hindi madaling mabuo ang kasunduan, may ilang hakbang na inilalarawan bilang “meaningful progress.”