
Hindi na patatagalin pa ng Bureau of Internal Revenue ang isyu ng umano’y anomalya sa Letter of Authority (LOA) process.
Alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulo, agad aalamin ng kawanihan kung may katotohanan ang umano’y pagbubulsa ng kita ng ilang BIR employees.

Mariing pinabulaanan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang akusasyon ng dating kongresista na si Zaldy Co.
Kaugnay ito sa sinasabing manipulasyon ng first family sa suplay at presyo ng ilang agricultural products.
Sinubukan din umano ng dating mambabatas na gumawa ng insertion sa budget ng ahensya.

Pasado na sa plenary deliberation ng Senado ang panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President.
Samantala, may paalala si Senate President Tito Sotto sa mga senador na kumukuha ng committee chairmanship at vice chairmanship ng budget.

Panibagong anomalya sa flood control project ang iniulat sa Office of the Ombudsman.
Sa pagkakataong ito, mismong mga residente ang lumapit sa tanggapan upang pasampahan ng kaso ang mga opisyal ng gobyernong sangkot sa iregularidad.

Bukas ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbitahan sa kanilang pagdinig si Presidential son at House Majority Leader Representative Sandro Marcos.
Ito ay matapos makatanggap ang komisyon ng liham mula sa kongresista na handang humarap kaugnay ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.