
Pinag-aaralan ng Department of Agriculture o DA ang pagsasampa ng cyber libel case kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co dahil sa kaniyang mala-seryeng script.
Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanilang legal team na ihanda ang posibleng kasong isasampa sa Makati o Quezon City sa Enero.

Kinontra ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr. ang mga binitiwang akusasyon ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na inilabas nito sa kaniyang social media account.
Sa pinakahuling video na inilabas ng dating kongresista, sinabi nito na mayroong nangyayaring manipulasyon sa presyo ng asukal, bigas, isda, at sibuyas na kinasasangkutan ng First Family.

Dumulog kahapon sa Office of the Ombudsman ang grupo ng mga residente sa Pangasinan.
Hiling nila, sampahan ng kaso ang mga opisyal ng gobyerno na nasa likod umano ng dalawang ghost flood control project sa kanilang lalawigan.

Muling hinikayat ng ilang kongresista si Resigned Congressman Zaldy Co na umuwi na ng Pilipinas at humarap sa tamang forum.
Anila, nararapat na ring maglatag ng ebidensiya si Co sa kaniyang mga alegasyon at sumpaan ang isang salaysay.

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gayahin ng ibang lokal na pamahalaan ang socialized housing ng Lazaro Residences sa Santa Cruz, Manila dahil sa kalidad at mabilis na pagtatayo ng pabahay.