Naglaan ang Department of Social Welfare and Development Region 5 ng P12.97-M upang tulungan ang mga tourism workers na naapektuhan ng nakaraang bagyong Uwan sa Bicol Region.
Sa pamamagitan ng Cash Transfer Program, inaasahang maiibsan ang pinansyal na pasanin ng mga benepisyaryo at matutulungan silang makabangon mula sa naranasang pagkawala ng kabuhayan.






















