Matapos ang ilang araw na pagbusisi, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang 2026 General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng P6.793 trillion.
Gayunman, hindi inaprubahan ng Pangulo ang ilang probisyon sa panukalang budget, kabilang ang P92.5 billion sa unprogrammed appropriations na kanyang ipinasyang i-veto.






















