Tuloy-tuloy ang ginagawang panghuhuli ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa mga pasaway na motorista na dumadaan pa rin sa EDSA Busway.
Sa operasyon ngayong hapon, 8 motorcycle riders ang nasita ng mga awtoridad.
Samantala, bahagya namang nagkasagutan ang mga tauhan ng SAICT at isang medic nang maharang ang isang ambulansya na natuklasang walang lamang pasyente.





















