.jpg)
- Health condition ni dating House Speaker Martin Romualdez, mahigpit na mino-monitor sa Cardinal Santos Medical Center; Warrant of arrest laban sa mambabatas, ibinalik na sa Sandiganbayan
- House prosecution team, nais ipresenta si Vice President Sara Duterte bilang testigo
- DSWD, may P241-B proposed budget para sa 2027; mas maliit kumpara ngayong 2026

Mananatiling walang opisyal na tungkulin o royal duties sina Prince Harry at asawang si Meghan Markle kahit bumalik sila sa United Kingdom.
Binigyang-diin ito ni King Charles kasunod ng pag-uwi ng Duke at Duchess of Sussex mula sa Estados Unidos.

Nagtungo sa Moscow at Kyiv ang US negotiators para sa panibagong dayalogo na naglalayong wakasan ang Russia-Ukraine war.
Ayon kay US Special Envoy Steve Witkoff, nagkasundo ang Russia at Ukraine sa three-day no-shoot policy bago ang pagbisita ng delegasyon.

Wala nang buhay nang matagpuan sa isang kweba ang 29-anyos na lalaking ilang araw nang hinahanap matapos umano siyang malunod sa ilog sa Kapangan, Benguet.

Patuloy ang pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang budget ng mga ahensya ng gobyerno para sa susunod na taon.
Para sa Department of Social Welfare and Development, mas maliit ang proposed budget nito para sa 2027 kumpara sa ngayong 2026.