
Nais ipresenta ng House prosecution team si Vice President Sara Duterte bilang testigo sa impeachment trial.
Samantala, tinapos na ng prosekusyon ang paghaharap ng mga testigo kaugnay ng alegasyon ng misuse ng confidential funds.

Isinilbi sa Cardinal Santos Medical Center ang warrant of arrest laban kay dating House Speaker Martin Romualdez habang naka-confine sa naturang ospital.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nakaranas si Romualdez ng cardiovascular event, unstable blood pressure, at anxiety attack, ngunit isinailalim pa rin siya sa booking procedure.

– DILG Sec. Remulla mabigat sa loob na isilbi ang warrant of arrest kay Rep.Romualdez
– Ex-House Speaker Martin Romualdez, na-confine dahil sa cardiovascular event at high blood pressure
– Sen. Robin Padilla, iginiit na kasama sa hindi pwedeng makasuhan si VP Sara Duterte

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang dahilan ng paglampas sa runway ng Boeing 767-300 cargo plane habang lumalapag sa Miami International Airport.
Matapos lumampas sa runway, tumawid sa isang kalsada ang eroplano at bumangga sa ilang sasakyan bago ito nilamon ng apoy.

Sa kabila ng produktibong pagpupulong sa mga US envoy, hindi pa rin nakikita ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na malapit nang magwakas ang mahigit apat na taong digmaan sa Russia.