
Nananatiling committed ang House of Representatives sa pagsasapubliko ng pagpupulong ng Bicameral Conference Committee o bicam para sa 2026 national budget.
Ito ang pagtitiyak ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Suansing matapos sabihin ni Sen. Erwin Tulfo na may ilang House members umanong tutol sa livestreaming ng bicam.

Inaprubahan ng Senado ang Senate concurrent resolution na layong amyendahan ang legislative calendar.
Sa inamyendahang kalendaryo ng sesyon, imbis na December 20 ay December 23 na ang adjournment o simula ng recess ng Senado.

Aprubado na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang ₱6.793 trillion na panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Kasunod ng prosesong ito, tatalakayin na sa Bicameral Conference Committee Meeting o bicam ang panukalang budget.

Matapos mapuna dahil sa umano'y kawalan ng interes, inatasan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa sa Independent People's Commission Act.Kabilang ito sa tinalakay sa naganap na Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting kung saan kasama ng Pangulo ang liderato ng Senado at Kamara sa Malacañang kahapon.

Hindi ititigil ng pamahalaan ang imbestigasyon sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects hanggang mapanagot ang mga ito at maibalik ang pera ng taumbayan.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa kaniyang pinakabagong pag-uulat sa estado ng mga hakbang ng pamahalaan para mapanagot ang mga iniuugnay sa anomalya.