
Naghahanap na rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng posibleng isabak sa 2028 presidential race kasunod ng deklarasyon ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pagka-pangulo.
Binigyang diin ng pangulo ang mga katangian na dapat taglayin ng susunod na mamumuno sa bansa.

Nakatalaga ang House Justice Committee na mag-convene sa Lunes, March 2, upang simulan ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Inaasaahan na magiging mahaba ang talakayan ng mga mambabatas habang sinusuri ang mga reklamo laban sa bise presidente.

Nilinaw ng Bureau of Immigration na wala pang ebidensya na spy ang isang Chinese national na naaresto sa Batangas noong February 20.
Nagpakilalang Pilipino ang suspek gamit ang iligal na nakuha niyang Philippine documents, kabilang ang passport.

Mas pinaigting ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pagbabantay sa mga transportation hub sa bansa upang maiwasan ang mga kaso ng human trafficking, lalo na sa panahon ng dagsa ng biyahero.
Samantala, sumailalim ang mga kawani ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee sa hands-only CPR training bilang paghahanda sa nalalapit na long holiday.

Inilarawan ni Sen. Risa Hontiveros na makasaysayang araw ang unang araw ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Kasabay nito, muling iginiit ng senadora ang pangangailangan na muling sumapi ang Pilipinas sa Rome Statute.