
Hindi bababa sa tatlumpu ang nasawi habang halos apatnapu naman ang nawawala matapos ang matinding ulan na nagdulot ng baha at landslide sa Minas Gerais sa Brazil.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at nagpadala ng humanitarian assistance si Brazilian President Lula da Silva sa mga apektadong pamilya.

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump sa kanyang ikalawang State of the Union address ang matagumpay niyang Immigration law enforcement.
Ayon sa pangulo, wala nang nakapasok sa kanilang bansa sa pamamagitan ng ilegal na paraan sa nakalipas na siyam na buwan.

Nakatakdang mag-deploy ang Japan ng surface-to-air missile sa Yonaguni Island na nasa 110 kilometers mula Taiwan na may kakayahang sumalubong sa mga paparating na eroplano at missile.

Nagpatupad ang Philippine National Police ng mas mahigpit na seguridad sa tawi-tawi upang pigilan ang pagtakas ng mga high-profile fugitives sa tinatawag na “backdoor exits.”
Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan niya ang provincial police na palakasin ang presensya sa mga lugar na ginagamit umano bilang ruta ng pagtakas.

Kinumpirma ng Philippine Navy na nakaranas ng “interference” sa komunikasyon at sensor systems ang mga barko at eroplano ng bansa habang nagsasagawa ng mga patrol sa West Philippine Sea.