Back

UNTV News and Rescue

3:55
Politics
Crime & Investigation

Pagpaparusa dahil sa pag-absent ni Sen. Bato dela Rosa sa Senado, hiniling ng isang grupo

February 25, 2026 8:05 PM
PST

Naghain ng reklamo ang "Wag Kang Kucorrupt Movement" sa Senate Committee on Ethics and Privileges.

Laban ito sa patuloy na pagliban ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa Senado sa gitna ng banta ng pag-aresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).

1:54
Crime & Investigation

2 protesters, inaresto ng mga pulis dahil sa pambabato

February 25, 2026 8:03 PM
PST

Kinumpirma ng Philippine National Police na dalawang indibidwal ang naaresto matapos manggulo sa ginaganap na protesta kaugnay ng anibersaryo ng People Power at ng ikatlong Trillion Peso March.

Sa kabila nito, sinabi ng PNP na payapa sa pangkalahatan ang mga naging aktibidad kaugnay ng okasyon.

2:39
Crime & Investigation

AFP, dumistansya sa isyu ng ex-marines na nagsalita kaugnay ng flood control scandal

February 25, 2026 8:01 PM
PST

Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines sa mga nagpakilalang dating Marines na nagsalita kaugnay ng umano’y anomalya sa isang flood control project.

Iginiit ng AFP, ang mga ito ay hindi na kasalukuyang miyembro ng Sandatahang Lakas.  Hinikayat din ng AFP ang publiko na maging mapanuri sa mga lumalabas na impormasyon.

3:44
Politics

Panukalang 2nd-degree political dynasty ban, posibleng lumusot sa House panel

February 25, 2026 7:59 PM
PST

Posibleng lumusot sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang second-degree political dynasty ban.

Target nang matapos ng House panel ang consolidation sa dalawampu't apat na inihaing panukala kontra political dynasties.

4:29
Crime & Investigation

Kampo ni FPRRD, may reaksyon sa argumento ng ICC prosecutors kaugnay ng kaso ng dating pangulo

February 25, 2026 7:58 PM
PST

Hindi kumbinsido ang panig ng depensa sa argumento ng prosesyon sa ikalawang araw ng confirmation of charges kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Sa ICC proceedings kahapon, binigyang-diin ng prosekusyon ang mga detalye ng war on drugs campaign ng Duterte administration.