
Walang kinalaman ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bagamat sinusuportahan nila ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian, dapat pa rin itong idaan sa tama at legal na proseso.

Kinondena ng ilang House members ang alegasyong cash deliveries sa kanila ng ilang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.
Kung sina House Deputy Speaker–La Union 1st District Rep. Paolo Ortega at House Asst. Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang tatanungin, hindi na dapat na pansinin ang mga alegasyon ng mga sinasabing dating tauhan ng Philippine Marine Corps.

Mahigit isandaang bansa ang nagpahayag ng suporta sa pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Kasabay ng ikaapat na anibersaryo ng Russian invasion sa Ukraine, isang resolusyon ang pinagtibay ng United Nations na naglalayong wakasan na ang marahas na pananakop ng Russia sa Ukraine.

- Malacañang, nagbigay ng ‘hint’ sa nasa likod ng pagdidiin kay PBBM sa flood control scandal
- Kampo ni FPRRD, may reaksyon sa argumento ng ICC prosecutors kaugnay ng kaso ng dating pangulo
- Mga nakiisa sa anibersayo ng EDSA Revolution, dismayado sa patuloy na katiwalian sa bansa

Dalawang indibidwal na may karamdaman ang binigyan ng transport assistance ng UNTV News and Rescue Team.
Ang isa rito ay senior citizen na bedridden habang ang isa naman ay colon cancer patient na for discharge na ng ospital.