
Sa kabila ng sapat na suplay ng langis, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko at mga ahensya ng pamahalaan na magtipid sa paggamit ng enerhiya.
Ayon sa Pangulo, maaaring makaapekto sa presyo ng langis ang nagpapatuloy na digmaan sa Middle East kaya mahalagang magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkonsumo nito.

- Pang. Ferdinand Marcos Jr., tiniyak na sapat ang supply ng langis sa bansa; pagpapauwi sa libong overseas Filipino workers sa Middle East, ginagawan na ng paraan ng pamahalaan
- Taas-pasahe, posibleng ipatupad kung aakyat sa P60 kada litro ang presyo ng diesel, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
- Mga alegasyon sa 3rd impeachment complaint vs. VP Sara Duterte, tinalakay ng House Justice panel

Nagsimula nang tumakip ang anino ng mundo ngayong gabi sa pambihirang total lunar eclipse, o ang tinatawag na blood moon.
Nagsimulang sumilip ang buwan bandang 5:58 ng hapon, na bahagyang natatakpan ng anino ng mundo.

Inaprubahan na sa House panel ang isang bersyon ng panukalang batas na nagbabawal sa second-degree political dynasty sa bansa.
Sa kabila ng paglusot nito sa panel, umani naman ito ng batikos mula sa ilang Kongresista.

Nagkaroon ng biglaang pagtaas sa presyo ng langis at natural gas matapos ang serye ng pag-atake ng Iran laban sa Estados Unidos at Israel.
Ayon sa ulat, sumirit ang presyo ng natural gas nitong Lunes matapos pansamantalang ihinto ng kumpanya ng Qatar Energy ang kanilang produksyon dahil sa tinaguriang “military attacks” sa kanilang pasilidad.