
Dapat munang mapag-aralang mabuti bago bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba ang excise tax sa langis.
Ayon sa ilang mambabatas, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Gayunpaman, nagpahayag ng suporta ang ilang mambabatas sa mungkahing ito ng Pangulo.

Gagawing staggered o utay-utay ang oil price increase na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Ito ay kaugnay ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Energy na may sapat na supply ng langis sa bansa para sa susunod na dalawang buwan.

Nilinaw ng Department of Justice na wala itong pakikipag-ugnayan sa International Criminal Court sa ilalim ng bagong kalihim na si Sec. Vida.
Ang pahayag ng kagawaran ay kasunod ng kumpirmasyon ni dating Justice Secretary Crispin Remulla na nakipag-usap ito sa ICC.

Tinalakay ng House Justice Committee ang mga alegasyon sa ikatlong reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay upang matukoy kung may sapat bang batayan ang reklamong impeachment para umusad sa susunod na proseso.

Nakahanda ang air at sea assets ng Armed Forces of the Philippines sakaling kailanganin upang maiuwing ligtas ang mga overseas Filipino worker na naiipit sa gulo sa Gitnang Silangan.
Ayon sa AFP, tuloy-tuloy ang koordinasyon nila sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na agad silang makakakilos kung magkakaroon ng repatriation.