
Iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na gamitin ang contingency fund ng Office of the President para pondohan ang fuel subsidy ng mga sektor na maaapektuhan ng nakaambang pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa senador, kung magagamit ang kahit P3-B mula sa pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad itong makatutulong sa pamamahagi ng pantawid-pasada sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Isinusulong ng pamahalaan ang posibilidad na pagpapatupad ng libreng sakay sa ilang pangunahing ruta upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin nitong mabawasan ang gastusin ng mga manggagawa at araw-araw na commuter sa pampublikong transportasyon.

Naglabas ng abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa lahat ng qualified beneficiaries na mayroong nawawala, expired o inactive na fuel subsidy cards na makipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines para sa validation o pagpapalit ng kanilang card.

Mas prayoridad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga maaapektuhan ng nakaambang pagtaas ng presyo ng langis.
Ito’y sa kabila ng pagkokonsidera ng ahensya na magpatupad ng provisional fare increase bilang hakbang laban sa big time oil price hike.

Sa kabila ng sapat na suplay ng langis, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko at mga ahensya ng pamahalaan na magtipid sa paggamit ng enerhiya.
Ayon sa Pangulo, maaaring makaapekto sa presyo ng langis ang nagpapatuloy na digmaan sa Middle East kaya mahalagang magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkonsumo nito.