Back

UNTV News and Rescue

3:53
Politics

Strait of Hormuz, muling isinara ng IRGC dahil sa nagpapatuloy na pag-atake sa Lebanon

June 22, 2026 10:54 AM
PST

Muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz kasunod ng nagpapatuloy na pag-atake ng Israel sa Lebanon sa kabila ng umiiral na tigil-putukan sa pagitan ng Israel Defense Force at grupong Hezbollah.

Tinutulan naman ito ng Estados Unidos at iginiit na nananatiling bukas ang mahalagang ruta.

5:37
Politics

Pormal na negosasyon sa pagitan ng Iran at US, nagsimula na sa Switzerland

June 22, 2026 10:54 AM
PST

Nagsimula na ang pormal na negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Bürgenstock, Switzerland kung saan personal na dumalo ang mga delegado ng dalawang bansa.  

Kasunod ito ng naunang pagpapaliban noong June 19 ng nakatakdang pag-uusap dahil sa muling pagsiklab ng karahasan sa Lebanon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

3:04
Politics

PCG nag-deploy ng barko para itaboy ang China Coast Guard sa EEZ ng kanluran ng Luzon

June 22, 2026 10:53 AM
PST

Patuloy na hinahamon ng Philippine Coast Guard ang isang barko ng China Coast Guard na ilang araw nang namamalagi sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas sa kanluran ng Luzon.  

Ayon sa PCG, hindi tumutugon ang China Coast Guard vessel 5304 sa mga radio challenge ng mga awtoridad ng Pilipinas.

1:11
Politics

Panukalang ‘no work, no pay’ para sa matataas na opisyal ng gobyerno, inihain sa Senado

June 22, 2026 10:53 AM
PST

Isinusulong ni Sen. Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na magpapatupad ng “no work, no pay” sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan na uma-absent nang walang sapat na dahilan.  

Sa ilalim ng panukala, sakop ang pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas, kalihim ng gabinete at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno.

3:16
Politics

21 Filipinos na nakadetine sa Russia, nakauwi na ng Pilipinas

June 22, 2026 10:53 AM
PST

Nakauwi na kahapon, June 21 sa Pilipinas ang 21 Pilipino na na-detain sa Russia.  

Kabilang ito sa naging resulta ng pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit noong nakaraang linggo.