Back

UNTV News and Rescue

5:01
Politics

Emergency powers para suspindihin ang oil excise tax, target ipasa sa Mar 11

March 9, 2026 8:54 PM
PST

Target ng House Committee on Ways and Means na ipasa sa March 11 ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspindihin ang excise tax sa langis sa gitna ng krisis sa Middle East.

Tiniyak naman ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kikilos ang Kamara upang maisulong ang mga panukalang batas na makakatulong bawasan ang epekto sa publiko ng pagtaas ng presyo ng langis.

3:09
Crime & Investigation

Pamilya ng missing sabungeros, humiling na sa iisang korte dinggin ang kaso

March 9, 2026 8:52 PM
PST

Humingi ng tulong sa Department of Justice ang ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero upang i-apela na ilipat na lamang sa iisang korte ang pagdinig sa kaso ng kanilang mga kaanak.

Hinihiling din ng pamilya na mailipat sa regular jail ang kustodiya ng mga pulis na sangkot sa missing sabungeros case.

2:46
Crime & Investigation

Fireworks display sa Panagbenga Festival, nagka-aberya; 8 manonood, sugatan

March 9, 2026 8:50 PM
PST

Walo ang nasugatan, kabilang ang isang batang 3 taong gulang, nang magka-aberya ang fireworks display sa pagsasara ng Panagbenga Festival sa Baguio City kagabi, March 8.

12:17
Politics

DOE, tiniyak na may mabibili pang supply ng langis matapos ang April 16

March 9, 2026 8:44 PM
PST

May mabibiling supply ng petrolyo ang oil companies sa susunod na buwan.

Tiniyak ito ng Department of Energy sa gitna ng isyu ng oil supply bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan.

4:01
Crime & Investigation

18 'ex-marines' at Atty. Baligod, inireklamo ng cyberlibel, perjury

March 9, 2026 8:41 PM
PST

Patong-patong na reklamo ang inihain ngayong araw ni Rep. Leila de Lima laban sa 18 dating miyembro ng Philippine Marines kasama ang kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod.

Naniniwala rin si De Lima na posibleng may kinalaman ang kampo ng mga Duterte sa paglantad ng mga dating sundalo.