Target ng House Committee on Ways and Means na ipasa sa March 11 ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspindihin ang excise tax sa langis sa gitna ng krisis sa Middle East.
Tiniyak naman ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kikilos ang Kamara upang maisulong ang mga panukalang batas na makakatulong bawasan ang epekto sa publiko ng pagtaas ng presyo ng langis.






















