
Sinimulan na ng Philippine National Police ang pakikipag-ugnayan sa Department of Energy upang paigtingin ang pagbabantay sa presyo ng langis.
Layunin nito na maiwasan ang manipulasyon ng mga gas station sa gitna ng krisis sa supply ng langis.

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang bawas sa sahod ng mga manggagawa, lalo na sa gobyerno, sa ipinatutupad na 4-day workweek o flexible work arrangement.
Samantala, sinabi ng Department of Justice na dapat naka-align ang kanilang magiging work setup sa Korte Suprema.

Nais ng National Unity Party o NUP na makakita ng mga bagong ebidensya at mas matibay na kaso habang nagpapatuloy ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Hawak na ng mga awtoridad ang 6 na sinasabing suspek sa pagkamatay ng maritime student sa Cavite noong March 1 dahil sa hazing.
Ayon sa pulisya, nagparamdam na rin ang iba pang sangkot sa insidente, habang patuloy ang paghahanap sa natitirang 9 na suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang Senado sa Office of the Executive Secretary tungkol sa panukalang batas na magsususpindi sa excise tax sa langis at magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ukol dito.
Ayon sa isang senador, hindi pa rin ito sapat upang tugunan ang posibleng economic shock mula sa tumitinding oil crisis sa bansa.