
Nilinaw ng Department of Energy na pwedeng payagan ang paggamit ng mga drum o containers para sa mga bumibili ng mga produktong petrolyo kung ito ay gagamitin sa mga lehitimong operasyon.
Ayon sa DOE, ilan sa mga halimbawa nito ang mga gaya ng agricultural at marine machineries and equipment.

Tiniyak ng Department of Energy na may makukunan pa rin ng supply ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis pagkatapos ng April 15, o ang panahon kung hanggang kailan tatagal ang imbak na langis sa bansa sa ngayon.
Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, hindi ang supply ng langis ang isyu, kundi ang magiging presyo nito pagkatapos ng April 15.

Sisimulan na ng mga kumpanya ng langis ngayong araw March 10, ang pagpapatupad ng mega oil price hike sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa Dept. of Energy, hindi biglaan ang ipapataw na mega oil price hike, kundi hahati-hatiin kada araw, depende sa oil company.

- Taas presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad nang paunti-unti araw-araw – DOE
- Senado, bibigyang prayoridad ang emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – Senate President Sotto
- DOLE, tiniyak na walang bawas sa sahod sa ilalim ng 4-day workweek o flexible work arrangement

May sapat na langis para sa 60 araw ang bansa, pero paano kung huminto ang imports o tumaas ang presyo sa global market?
Alamin kung paano ito nakakaapekto sa gasolina, pamasahe, at presyo ng pagkain.