Tiniyak ng Department of Energy na may makukunan pa rin ng supply ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis pagkatapos ng April 15, o ang panahon kung hanggang kailan tatagal ang imbak na langis sa bansa sa ngayon.
Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, hindi ang supply ng langis ang isyu, kundi ang magiging presyo nito pagkatapos ng April 15.






















