
Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada upang siya’y payagang makalabas ng Pilipinas mula March 30 hanggang April 5.
Kabilang sa mga bansang balak puntahan ng senador ang Hong Kong, Japan, at Macau para sa kanilang family travel.

Babawiin na ng Estados Unidos ang ipinatupad na sanction sa langis sa ilang oil-producing countries upang mapanatili sa mababang halaga ang presyo ng crude oil sa merkado.
Sinabi rin ni US President Donald Trump na posibleng matapos na rin ang aniya’y isang ‘short-term’ war sa Iran.

Pinangunahan ni US Vice President JD Vance ang dignified transfer ng ika‑7 US serviceman na nasawi sa giyera sa Iran.
Si Sgt. Benjamin Pennington ay miyembro ng Army Space and Missile Defense Command na nasawi sa kasagsagan ng Operation Epic Fury noong March 1.

Mainit ngayon ang usapin tungkol sa diskriminasyon o pambabastos, lalo na sa kababaihan, kasunod ng kontrobersyal na pahayag ng isang mambabatas.
Sa ilalim ng batas ng bansa, umiiral ang Safe Space Act o Anti-Bastos Law. Alamin kung ano ang saklaw nito at ano ang parusang ipinapataw sa mga lumalabag.

Nagbabala ang ilang grupo ng traders at retailers sa posibleng dagdag-presyo sa kada kilo ng bigas.
Ayon sa kanila, maaaring tumaas ng hanggang P2.00 bawat kilo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.