Back

UNTV News and Rescue

3:13
Politics

Emergency powers kay PBBM na bawasan ang oil excise tax, agad aaprubahan sa Senado

March 10, 2026 7:41 PM
PST

Nakahanda rin ang Senado na agad talakayin ang hiling na emergency powers ng Pangulo para maibaba o suspindehin ang excise tax sa langis.

Kumpiyansa ang ilang senador na, sa kabila ng nalalapit na adjournment ng sesyon, maipapasa nila agad ang nasabing panukala.

6:13
Politics

Emergency powers kay PBBM kaugnay ng oil excise tax, madaliang tinalakay sa Kamara

March 10, 2026 7:35 PM
PST

Madalian ang ginawang pagtalakay sa Kamara sa panukalang magkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspindehin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.

Gayunman, ayon sa oil companies, hindi agad bababa ang presyo ng langis kahit maipasa na ang nasabing panukalang batas.

3:22
Crime & Investigation

Isa pang suspek sa Cavite hazing, sumuko na; 7 sa mga suspek, hawak na ng pulisya

March 10, 2026 7:33 PM
PST

Pitong suspek na ang nasa kustodiya ng mga awtoridad kaugnay ng hazing na ikinasawi ng isang estudyante sa Cavite.

Ito ay matapos sumuko kagabi sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa pa sa mga suspek sa insidente.

4:59
Lifestyle

Dagdag-singil sa March billing, 'di epekto ng krisis sa Middle East – Meralco

March 10, 2026 7:29 PM
PST

Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan.

Ayon sa power distributor, hindi pa kabilang dito ang epekto ng oil price hike sa enerhiya na inaasahang mararamdaman pa sa Abril.

Tiniyak din ng Meralco na wala pang pangangailangan sa ngayon para sa rotational brownout.

4:34
Politics

Private firms na magpapatupad ng 4-day workweek, 'di dapat magbawas ng benepisyo – DOLE

March 10, 2026 7:26 PM
PST

Hinihikayat na rin ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na magpatupad ng 4-day work week schedule.

Ngunit paalala ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi dapat mabawasan ang benepisyo ng mga manggagawa sa private sector sakaling ipatupad ito.