
- Interim release para kay FPRRD, patuloy na igigiit sa ICC – Atty. Nicholas Kaufman
- Higit P6 kada litro sa gasolina at P11 kada litro sa diesel, idinagdag sa presyo ng petrolyo ngayong Miyerkules
- 188 sa 327 non-OFWs mula Middle East na humiling ng repatriation, natulungan na — Department of Foreign Affairs

Hindi pa naililipat ng ibang kulungan ang mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.
Ayon sa Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group, nananatili ang mga ito sa PNP custodial center habang hinihintay ang desisyon ng korte.

Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Portugal government para mapauwi si dating Congressman Zaldy Co, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nasa Portugal ngayon ang dating kongresista, na inuugnay sa maanomalyang flood control projects, at kailangang makipag-ugnayan sa lokal na pulisya para sa posibleng pag-aresto.

Nagbigay ng babala ang Armed Forces of the Philippines na bahagi ng mas malawak na global trend ng espionage ang natuklasang pang-e-espiya sa bansa, na inuugnay sa China.
Kabilang sa mga impormasyong sinubukang kunin ng mga pinaghihinalaang espiya ang detalye ng mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

Walang ghost project.
'Yan ang iginiit ng kampo ng mga akusado sa pagpapatuloy ng pre-trial conference ng ghost flood control case sa Davao Occidental.
Sisimulan naman sa Abril ang paglilitis sa mga akusado, kabilang na ang contractor na si Sarah Discaya.