Nagbigay ng babala ang Armed Forces of the Philippines na bahagi ng mas malawak na global trend ng espionage ang natuklasang pang-e-espiya sa bansa, na inuugnay sa China.
Kabilang sa mga impormasyong sinubukang kunin ng mga pinaghihinalaang espiya ang detalye ng mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.






















