
May panawagan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta.
Kasabay ito ng anibersaryo ng pagkakadala sa dating pangulo sa International Criminal Court at nalalapit na pagdiriwang ng kanyang ika-walumpu't isang kaarawan sa March 28.

Humarap sa National Bureau of Investigation ang labing-anim sa labing-walong nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps na umano’y “bagmen” ng dating kongresistang si Zaldy Co.
Inaasahang muling haharap ang mga ito sa NBI sa Marso 17 upang isumite ang kani-kanilang salaysay at karagdagang ebidensya.

May sagot ang Office of the Ombudsman sa ‘harassment’ remark ni Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng imbestigasyong ginagawa sa labing walong nagpapakilang dating miyembro ng Marines.

Hindi nababahala si Atty. Levi Baligod at ng mga kliyente nito na nagpakilalang mga dating miyembro ng Philippine Marines sa natatanggap umano nilang banta sa kanilang buhay.

Naglabas ng pahayag sa unang pagkakataon ang bagong supreme leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei matapos siyang maitalaga bilang kapalit ng kaniyang amang si Ayatollah Ali Khamenei na nasawi sa pag-atake ng United States at Israel.