Humarap sa National Bureau of Investigation ang labing-anim sa labing-walong nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps na umano’y “bagmen” ng dating kongresistang si Zaldy Co.
Inaasahang muling haharap ang mga ito sa NBI sa Marso 17 upang isumite ang kani-kanilang salaysay at karagdagang ebidensya.






















