
Nagbabala ang mga awtoridad sa Iran laban sa mga mamamayan nitong sasali sa mga kilos-protesta laban sa Iranian government.
Ito ay kasunod ng panawagan mula sa Israel at Estados Unidos sa mga Iranian na kumilos para patalsikin ang rehimen sa bansa.

Patuloy na nakakaapekto sa global supply ng langis ang nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
Ayon sa International Energy Agency o IEA, ito na ang pinakamalaking disruption sa supply ng langis na naitala sa kasaysayan ng global oil market.

Sinagot ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na umano’y walang ginagawang paghahanda ang administrasyon sa krisis sa Middle East.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang halaga ng pagkakaisa sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Tiniyak ng Pangulo na patuloy na gagawin ng gobyerno ang lahat para matiyak ang kapayapaan sa bansa.

Nakipagpulong na ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa Philippine Airlines kasama ang mga welfare officers sa iba't ibang overseas post para pag-usapan ang planong chartered flights patungo ng Middle East.