
- Imbestigasyon ng Senado sa isyu ng mga maanomalyang flood control projects, ipinapagtuloy ngayong araw; dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dumalo sa pagdinig
- Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nahaharap sa kauna-unahang impeachment complaint; reklamo, dapat sapat sa porma at nilalaman bago umusad sa Kamara
- Isa sa mga luxury vehicle na nakuha sa parking lot ng condominium ni Zaldy Co sa Pasig City, gumagamit ng pekeng plaka; 2 pang sasakyan, hindi dumaan sa clearance ng Highway Patrol Group

Iginiit ng mga lider ng Europa na hindi sila magpapasindak sa mga banta ng taripa mula sa United States.
Ito ay sa gitna ng tumitinding tensyon sa Arctic region, kasunod ng pahayag ng Amerika hinggil sa pagnanais nitong makuha ang Greenland.

Nagdeklara na ng state of catastrophe ang Chile matapos makaranas ng malawakang wildfire na ikinasawi ng 18 indibidwal at nagdulot ng malawakang pinsala.

Ilang araw matapos ilabas ang wanted poster laban kay Charlie Atong Ang, nakatanggap na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 17 impormasyon kaugnay sa posibleng pinagtataguan ng negosyante.
Ayon sa CIDG, napuntahan na ang 10 property na ibinigay sa kanila sa mga natanggap na tip, at sinagot din nila ang mga nagsasabing scripted ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad kay Atong Ang.

Ayon sa ilang kritiko, hindi sinsero ang Senado sa kanilang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Samantala, iginiit ng ilang labor group na nararapat na i-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.