
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na maaari pa ring matanggap bilang state witnesses ang ilan pang testigo sa flood control projects sa iba pang kaso.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na sumuko sa PNP National Headquarters sa Camp Crame si dating Senator Bong Revilla Jr. kasama ang kaniyang asawa at anak.

Hindi mahaharang ng anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang reklamong impeachment laban sa amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ay kahit ang nakababatang Marcos ang tagapanguna sa House Committee on Rules.

Maghahain din ang Makabayan bloc lawmakers ng kanilang impeachment complaint laban kay PBBM dahil sa sistematikong pandarambong sa pondo ng bayan, paglobo sa unprogrammed funds na ginamit umano sa maanomalyang proyektong kontra baha at seryosong alegasyon ng kickbacks ng ilan sa Malacañang sa pamamagitan ng infrastructure projects.

Tuloy lamang sa pagtatrabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng paghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya. Ayon sa Malakanyang, hindi magiging hadlang sa mga serbisyo ng gobyerno ang reklamo sa pangulo.